Tugon ng BAYAN-Bikol sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo, IBASURA ang patakarang Deregulasyon!

Nobyembre 19, 2007, Bayan Bikol

Help us
propagate
this
article,
DIGG IT!


Download statement with comparison table in PDF

Nananawagan ngayon ang BAYAN-Bikol sa mamamayang bikolano na paghandaan ang sama- samang pagkilos laban sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo at pagbabasura sa makaisang panig na patakarang deregulasyon.  
 
Matatandaan labing-anim (16) na beses nang tumaas ang gasolina sa total na PhP9.00 kada litro, labing-tatlong (13) beses tumaas ang diesel at gaas na umabot sa PhP6.50 at PhP7.00 kada lito ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang LPG naman ay labing-tatlo (13) beses rin tumaas sa total na PhP10.08 kada kilo nito.  Ito ay ayon sa mga nakuhang datos mula sa anim na malalaking kumpanya ng langis ang Shell, caltex, Petron, Total Phils. Corp, Flying V at Unioil.
 
Nito lamang Nobyembre 17 at 18, tumaas na naman ang diesel ng PhP1.00 kada lito samantalang ang gasolina at gaas ay PhP1.50 kada litro ang idinagdag. Samantalang ang LPG naman ay PhP1.12 kada kilo nito.

Ayon sa pag-aaral ng IBON (independent data bank) umabot na sa 11,147 bilyon peso ang pinagsama-samang tubo ng Shell, Caltex at Petron noong 2005 o tumaas ng 133% simula 2003.
 
Samantalang aabot sa P4.55 kada litro ang overpricing ng malalaking kumpanya ng langis batay sa computation ng IBON mula 2000 hanggang Setyembre 2007. Ito’y batay sa datos ng Department of Energy o DOE.

Ayon sa datos ng DOE, ating tingnan ang presyo ng produktong petrolyon bilang paghahambing sa bago at simula ng ipatupad ang patakarang deregulasyon, dahil dito naging pabor pa sa mga dambuhalang kumpanya ng langis ang deregulasyon na mas lalong nagpalugmok sa higit na kahirapan ng mamamayan.

Walang saysay ang “discount” na ibinibigay sa mga pampublikong sasakyan bilang pampalubag loob upang hindi umalma ang taumbayan. Sa katunayan itinatago lamang nito ang mas malaki pang tubo sa pamamagitan ng mga pagdagdag ng presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo.

Sa kabila ng pagtaas ng halaga ng piso kumpara sa dolyar, hindi parin makita at matamasa ang epekto nito. Bagkus mas kabaliktaran pa nga ang nangyayari sa mga bilihin lalo na batayang pangangailangan ng mamamayan dahil sa patuloy na pagtaas ng mga ito.
 
Sama-sama nating isigaw:  
IBASURA ang Batas sa Deregulasyon!
ISABANSA ang industriya ng Langis!

Sanggunian: Tessa Lopez
Tagapagsalita, Bayan Bikol