Super Typhoon Mina, tatamaan ang Bikol

Nobyembre 21, 2007, Bayan Bikol

Help us
propagate
this
article,
DIGG IT!


Download in PDF

Sa lahat na mamamayang bikolano, nananawagan kami sa Bayan-Bikol na paghandaan ang paparating na super typhoon Mina sa darating na Byernes Nobyembre 23, 2007. Ayon sa PAG-ASA, ang typhoon Mina ay may lakas na 120-kph na dadaan sa isla ng Rapu-Rapu, Albay sa byernes, 2:00 ng hapon. Inaasahang tatamaan ang syudad ng Legazpi sa pagkagat ng dilim. Babagsak ito sa buong probinsya ng Albay at Sorsogon bandang hating-gabi ng Byernes at Sabado ng umaga.  

Halos isang taon na nang mangyari ang trahedyang Reming na kumitil sa buhay ng marami-rami nating kababayan. Hanggang sa ngayon ay hindi parin buong nakakarekober ang ibang mga biktima sa buhay, kabuhayan at tirahan. Mabibilang parin ang ilang pamilyang nasa mga tents at wala pang bahay sa itinakdang relocation centers.  
 
Nagpapa-alala kami sa mga pulitiko na idiretso ang mga relief goods at ibigay ang nararapat na serbisyo sa mga biktima at huwag maging gatasan ito para sa kanilang pangungurakot.
 
Dahil dito, umaapela kami sa lahat na mga organisasyon, indibidwal at mga kaibigan sa loob at labas ng bansa para sa relief missions sakaling mangyari muli ang trahedyang ito.
 
Mangyaring ipadala ang inyong tulong direkta sa aming tanggapan 664 Encarnacion Bldg., Brgy. 17, Rizal Street, Legazpi City telefax: +63 52 480.5227 email: bayan_bicol@yahoo.com o kaya naman sa pambansang tanggapan ng BAYAN sa Erythrina Building, Maaralin corner Matatag Streets, Brgy. Central, Diliman, Quezon City Philippines telepono bilang + 63 2-435-9151 Fax # 632-435-6930 email: bayanwebsite@lycos.com  
 
Maraming salamat!
 
Sanggunian: Tessa Lopez
Tagapagsalita, Bayan Bikol